After the Castaways arrived at camp, Charisse was still in shock after Vern gave her the black pearl in the Tribal Council.
"I don't know if she just wants to mess up with my mind. Siyempre, on the way back to camp, I was thinking of all the options on why she would be giving me the black pearl," Charisse wondered.
She shared her suspicions with Kaye and Marlon, "Option number one, kasi nanalo ako ng Immunity, siya dapat mananalo. Pangalawa, naririnig niya ko na parang sinasabi ko 'yun e, na parang kailangan ko manalo lang ng one Immunity, okay na ako."
Even the Naak tribe members felt sorry for Charisse. "Sa 'kin, hindi si Charisse dapat mabigyan ng black pearl e. Mas gusto ko si Marlon mabigyan ng black pearl kasi nga parang si Marlon nagiging ano rin e, magulo utak. Parang kung saan siya safe, doon siya."
JC agreed with Kaye, "Si Charisse hindi niya deserve 'yung black pearl na makuha e. Parang lahat kami nagulat kung bakit sa kanya ibinigay. Tapos Jarakay pa siya. Parang 'yun nga pinagtatawanan namin kasi parang ginaya lang ni Vern 'yung ginawa ni Kiko kay Rob."
While the tribe ate dinner, Marlon teased Charisse.
"Ngayon wala kang bulsa Charisse, e palagi kang naka - two piece. Paano mo itatago 'yon?" Marlon asked.
"Day, wala namang mag - a - attempt na magnakaw niyan," Nanay Zita assured her.
But Charisse knew better. "Alam ko namang nanakawin mo 'to!" Charisse told Marlon.
"Anong tingin mo sa 'kin? Ganoon kasama?" Marlon asked.
"Masahol kang tao."
"Sa tingin mo, nanakawin ko 'yan?"
"Ikaw lang masama dito."
Charisse thought Vern gave her the cursed pearl partly because they were not that close, "At this point, parang mas naging close pa ko kay JC compared to how I was with Vern. Considering that I was with her for a longer time than most of the Naak tribe mates or even with Kiko and Kaye. I'm not hurt like the 'Traydor! Traydor!' Gaganoon din ako sa next Tribal Council. Hell no."
With Vern gone, Marlon found himself hanging on a balance.
"Ngayon bumaligtad na naman 'yung mundo. Kaming dalawa na naman ni Charisse ngayon 'yung kinakabahan. Tapos wala na si Vern, kulang na ko ng isang boto 'di ba? Inisip ko, paano na gagawin ko nito? Biruin mo Jarakay dalawa na lang kami from Jarakay. Ang dami namin tapos puro Naak na 'yung kasama ko dito sa Chalam. Talagang makikita mo kahit ganito ako kakulit, may paninindigan ako, diretso tayo. Ngayon, pakita ko sa kanila, sino ngayon mga nag - hudas?"
Meanwhile, Rob missed Vern who used to be his sleeping companion.
"Usually si Vern ang katabi ko, but that night, I slept alone. Sabi ko nga e, malulungkot - lungkot ako. E kung ako 'yung natanggal, e 'di mas lalo akong nayari 'di ba? This is a game, someone has to go out, someone has to leave the place, the island. And sorry for Vern, nauna siya sa 'kin."
True colors
Early the next morning, Cris retrieved the new treemail.
"Magaling ka ba umasinta?
Ang target matatamaan mo ba?
Magsanay gumamit ng sibat.
Ihagis sa ere,
patayo sa lupa dapat bumagsak.
Ang hindi magsanay,
siguradong walang matitikman."
While the other tribe members slept, Charisse practiced throwing her spear. "I'm not really good with those kinds of things. I know talaga my coordination skills are like zero when it comes to like 'yung mga archery, mga ganoon ganoon. So parang sabi ko, I know that I would look stupid in that challenge."
Nanay Zita woke up a few minutes later and started practicing her throw.
After a failed attempts, Nanay Zita just asked Charisse to accompany her to gather some snails. Their conversation topic: Marlon
"Inis lang talaga ako sa kanya, madalas. Pero kaya ko siya natatagalan kasi hindi ko siya pinapansin. Parang bahala ka, bahala ka magsalita diyan," Charisse told Nanay Zita.
"Mahilig siyang magpagulo ng tao" Nanay Zita said, then she told Charisse about how Marlon misled Cris to believe that she was plotting against JC.
"Ayokong ginagawan ako ng kuwento," Nanay Zita added.
Nanay Zita finally saw Marlon's true colors, "Si Marlon talagang hindi mo maintindihan kung kakampi. Talagang siya talaga panggulo. E gusto talaga niyang palabasin na parang magkagulo - gulo yata kami lahat. Siya ang taga - hatid dito, hatid doon. Kumbaga talagang panggulo. Pati nga si Charisse, inis na inis sa kanya. Talagang maya't maya, ang hirap daw talagang pakisamahan si Marlon."
When Marlon finally woke up, he was surprised that almost all the chores had been done.
Marlon felt it was okay to be a little lazy in the camp this time, "Hindi na talaga uubra 'yung technique na tamang sipag na Jarakay. Papagurin ko lang 'yung sarili ko 'di ba?"
With nothing much to do, he decided to practice throwing his spear.
"Kung maninibat 'to, malaki chance (ko) kasi passion ko rin 'yung mga sword - making, mga weapon. Kaya sabi ko, malaki chance dito kasi talagang marunong ako bumato noon."
Meanwhile, JC went to the tribe's message box to write a short letter.
"Parang sinulat ko lang sa message box na sobrang miss ko na 'yung family ko, 'yung girlfriend ko," JC said. "Sa camp life, sobrang isang tribe na kami diyan, parang isang family na kami kasi seven na nga lang kaming naiiwan. So ngayon, parang kailangan namin ang isa't isa."
Bull's eye
For the reward challenge, each Castaway would hold a spear as their weapon.
They would all be given a chance to throw their spears toward the giant target. The Castaway whose spear landed nearest to the bull's eye would win the reward.
Paolo then revealed the mouth watering rewards:
1. A plate of steak, rice and vegetable sidings with bottomless soda.
2. Pork teriyaki burger and fries with a glass of soda.
3. Pasta and pizza with a glass of soda.
4. Dried fish and tomato with a glass of soda.
5. One piece of sweet potato with a glass of soda.
6. One piece of tamarind with a glass of soda.
7. A mound of salt with a glass of water.
Almost all of the tribe members's spears landed within the target except for Charisse's spear which landed in the sand.
Since his spear landed nearest to the bull's eye, Cris won the reward.
"Masarap pala maging feeling nang nanalo," Cris said.
Then Paolo announced the clincher, "Cris, since nanalo ka sa challenge na ito, may kapangyarihan kang pumili kung ano ang kakainin ng bawat katribo mo."
Cris chose the plate of steak for himself while he gave the Teriyaki burger to Nanay Zita.
Then Cris chose Kaye to have the pizza and pasta, "Kaye na lang, kasi madalas niya sabihin 'yun e."
Jc got the dried fish and tomatoes while Rob got the sweet potato and soda.
Down to the last two rewards, Marlon suddenly said, "Okay lang bro, alam ko naman mangyayari 'yan e. May bago pa ba doon?"
Marlon was already resigned to his fate, "Noong sinabi ni Pao na 'Cris ikaw mamimili,' yumuko na lang ako. Parang sabi ko, 'Patay na naman. Eto na naman tayo.' Kasi imposible naman ibigay sa 'kin ni Cris 'yun (masarap na food). Siyempre 'yung Naak - Jarakay, 'di pa siya nawawala doon."
Cris decided he would give the tamarind and soda to Marlon while the salt and water would be for Charisse.
"Hindi ako nagso-softdrinks, promise," Charisse said as she approached Cris.
"'Yung kay Charisse, nakakain naman daw niya 'yung mga nakain ng mga kasama ko, pati 'yung kay Marlon nakain niya kaya okay lang sa kanya. Kaya medyo gumaan din ang pakiramdam ko noon noong napagbasehan ko 'yung sa kanilang dalawa," Cris said.
While the other tribe members ate their meals, Charisse blurted out, "The cruelty of this show, tanggap ko na siya."
"Alam mo kapatid, hindi ka mapupunta dito kung mahina 'yang utak mo. Labanan mo, "Marlon told her.
"Anong problema mo?" Charisse asked.
"Wala lang. Kasi bumibigay ka na e," Marlon said.
"What? Did I say something that I'm giving up? Alam mo 'yun. You're putting words in my mouth again," Charisse said.
While everyone made a toast, Charisse said, "Lucky seven."
Friendless
After they returned to camp, Cris quickly got some water to cook snails for lunch.
Marlon interpreted this in a different light, "Parang bumabawi si Cris. Kasi nag - safety siya kanina. Siyempre, ayaw niya ma - vote out siya ng mga ka - tribe mate niya dahil pinili niya ako o kay si Charisse para ganoon lang."
It seemed Marlon also wanted to make it up to Charisse as he gave her a toothpick for the snails they were going to eat.
While Marlon prepared his meal, he confided to Rob, "Pare, sobra na mental torture sa 'kin dito. Tinatamaan na 'yung ano ko. Pare, nagkakaroon na ko ng emosyon na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Naranasan kong mapikon sa tanang buhay ko. Sa totoo lang, hindi ako nakakaramdam ng ganoong galitpero kanina naramdaman ko 'yung galit na. 'Yun nga naapektuhan ako e, alam ko para sa 'kin na e, parang biglang mawawala pa. Buti na lang bandang huli nabawi ko na ulit, pare. Noong una, pare, emosyon ko sobra talaga. Wala malas e."
Charisse who was standing close by thought Marlon had no one to blame but himself, "Marlon kept on saying na ang hirap pala ng wala ka masyadong kaibigan dito. Sabi ko parang, you were the one who played this game that way, for people to hate you in this competition. It's really karma.
Meanwhile, Kaye assured Cris that he made the right choices in the reward challenge.
"Alam mo 'pag nakakuha ako ng ganoon, 'di ko siya (Marlon) kukunin. Swear. 'Di ba sabi ko, 'pag kumuha ako, Jarakay, sila naman. Pero 'pag nakakuha ako ng reward, hindi ko siya kukunin. Iba 'yung ugali niya e. Ayoko talaga."