At the camp, Marlon was still hung over from seeing his girlfriend's video message. He rested on the hammock and tried to compose himself.
"Malakas ako magtago ng ano, kahit sakit, 'yung tipong hirap. Hindi mo makikita sa mukha ko 'yan. Parang talagang nawasak 'yung lakas ng loob ko. Parang sabi ko, 'Pagod na 'ko.' Parang na-mental stress talaga."
JC explained that he knew Cris and Marlon really needed the reward that's why he chose them. "Kahit na sobrang wala akong trust kay Cris, pinili ko si Cris, e. Kasi sobrang emotional siya pagdating sa family niya, nakita ko 'yun. Tapos kay Marlon naman, kaya siya ang pinili ko kasi nakita ko sa kaniya na sobrang miss na miss na niya 'yung girlfriend niya. Noong nakita niya 'yung video napaiyak siya."
Later, Kaye told Cris and JC, " (Sabi niya) Kahit top 5 lang, makapasok ako."
"Sabi (nino)?" Cris asked.
"Charisse."
JC said, "Basta ako, pare, nakita niyo naman ako nakipag-usap sa kanila. Wala 'yun. Kahit nakikipagkaibigan lang. Pero kung sa may isang salita, pare, kung ano 'yung nasabi ko na sa inyo, doon ako."
Lucky one
As the tribe ate their meal, Marlon said, "Hindi ko sinasadya lahat ng ano, mga ginawa ko dito."
"Nakita ko kasi hindi ka napili noong reward, 'yung pagkain. Alam ko, grabe 'yun kasi hindi ka pa nananalo, e," JC told Marlon.
"Hindi, pare. Mas the best 'yun. Panalung-panalo 'yung kaninang natanggap ko. Hindi ko ipagpapalit sa resort at saka sa ano 'yun, 100 percent," Marlon said.
"Oo naman, pare," JC agreed.
"Pare, napansin ko lang, JC, ang suwerte mo sa mga ganiyan. Parang nilapitan ka nang todo, pare. Para kang pinagpala, para kang anak ng Diyos," Marlon said.
JC felt sorry that Marlon had been unlucky when it came to rewards, "Sa lahat sa 'min dito, sa mga reward, siya 'yung pinaka-walang nakuha. Ayun nga, sabi ko, gusto ko fair sa lahat. Kahit hindi ko pa siya close noon, binigay ko sa kaniya 'yung reward kasi naawa ako sa kaniya noong hindi siya pinili ni Cris noong huling challenge."
Marlon seemed to have found a new friend in JC, "Actually, naging daan na rin 'yun para maging close kami ni JC. Parang sabi ni JC sa 'kin, 'Pare, medyo mula noong pinili kita, medyo gumaan na 'yung loob ko sa'yo. Pagdating sa Manila, parang matatanggap na rin kita na kaibigan ko. Dati kasi asar sa 'kin si JC."
Persuasion
Marlon offered to keep Charisse's black pearl, "(Sabi ko) Charisse, o, ibigay mo sa 'kin 'yung black pearl. Itatago ko, para matigil na 'yung sumpa. Para hindi na nila ipasa. Kasi two votes lang, e."
Charisse told Kaye and JC, "Sana Tribal Council na, ayoko na nito (black pearl). Ayoko nang matulog kasama 'to."
She admitted that it was difficult for her to keep the black pearl, "Ayoko siyang mawala. Una sa lahat, may pagkaburara akong babae. Hindi ako ganoon kaalagain sa mga gamit ko. Parang kunyari naglalaba, sabit mo diyan. 'Asan na? Asan na?' Hindi naman sa feeling ko babarubalin ako ng kung sino man sa mga 'to. Pero hindi ka na talaga dapat mag-trust sa kahit sino sa mga Castaway dito dahil pare-pareho na kayo ng gusto ngayon."
Marlon tried to convince Kaye, "Bumawas muna kayo ng isa sa kanila bago ninyo kami ubusin ni Charisse. 'Yan 'yung tamang strategy, maniwala ka sa 'kin. Ihanda niyo ang sarili niyo. Dahil 'pag ginawa mong tatlo sila, parang dehado kayo. Pero ako ngayon, ayoko na. Medyo ini-stop ko na ang pag-strategize."
He thought that the Naak members were missing out something, "Ewan ko kung naiisip ng mga tao dito. Parang inisip ba nila 'pag kasama nila si Zita sa final two mananalo sila? Hindi nila makita 'yun, e. Ewan ko, parang nagbubulag-bulagan sila or alam nila, kaya lang iniisip nila alliance nila. Naak sila."
But Kaye was not convinced, "Sabi sa 'kin ni Marlon, 'Mag-isip-isip ka kasi kung kami tatanggalin mo ni Charisse, delikado ka diyan kay Nanay Zita tsaka kay JC.' Pero isip-isip ko parang 'pag nag-stay si Marlon baka masira lang lalo 'yung plano ko. Malaman ng mga iba 'yung plano ko. Ayoko ng ganoon."
Sad goodbyes
Charisse started to cry as the Tribal Council drew nearer.
"Andiyan ka na naman. Easy, relax," Marlon comforted Charisse. "Mayroon pa. Hindi pa tapos ang laro. Mahaba pa. Easy ka lang. Basta vote for Zita. Sinasabi ko sa kanila, balansehen niyo 'yan. Isipin mo, a, sila (Cris and Kaye) 'yung dalawang nag-traydor. 'Ito (JC, Rob and Zita) tatlo 'to. 'Pag nagsama silang lima, 'yun ang pinapaliwanag ko sa kanila. 'Sa tingin mo, mananalo kayo sa tatlo?'"
Marlon knew Charisse wanted him to stay, "(Sabi ko sa kaniya) 'Kung may mangyayari, huwag mo nang intindihin.' Umiiyak na siya. Gusto niya, mayroon pa kong ilabas para tumagal pa siya kahit ilang araw lang. May matanggal pa sa isa sa mga Naak."
Charisse continued to cry.
"Ano?" Marlon asked.
"Wala lang. Nalulungkot ako, e," Charisse said.
"Ayos lang 'yan. Kita mo malulungkot ka ngayon, mawawala na ako. Kay Kiko, hindi ka naggaganyan nang todo. Tama na, tama na. Naiiyak ako sa 'yo. Tama na, tama na. Ikaw na lang maiiwan sa Jarakay kung sakali."
"Oo. Pero wala lang, kahit inaaway kita, sobrang thank you sa lahat. Alam mo 'yun?"
"Saan?"
"Wala lang."
Even if he knew he was endangered, Marlon still wanted to help Charisse, "In case, if ever na malalaglag ako. Ito (black pearl), ibibigay ko kay Zita, gamitin mo. Ituloy mo 'yung plano Charisse, ha? Okay."
Friends no more
Marlon tried to convince Cris not to vote for him and go along with his plan to eliminate another member from Naak.
"Ako rin gusto kong tumagal. Ayoko nang mag-comment nang mag-comment kasi ganoon din mangyayari," Cris said.
"Tandaan mo 'yan, apat pa kayong matitira," Marlon warned him.
"Hindi. Sa mga ganyang punto na iyan, hindi ko na alam kung ano'ng diskarte nila. 'Di ko alam kung anong diskarte mo."
"Kaya nga mag-isip-isip ka, pare. Mag-isip-isip ka. Isipin mo 'yung kalagayan niyo kung sakalaing mawala kami ni Charisse."
"Alam ko kalagayan ko."
Cris was firm in his decision, "So pinababayaan ko lang siya. Sabi niya, 'Hindi ka ba natatakot sa mga tinik na mga kasama mo?' Sabi ko okay lang, kung ako man, okay lang. Pasalamat pa rin ako. 'Yun pa rin ang sinasabi ko, salamat pa rin kasi nagawa ko na 'yung dapat kong gawin."
"Thorns"
"Gusto mo, maglaro tayo?" Cris asked Marlon.
"O, sige, maglaro tayo," Marlon said. "Ano'ng sinabi ko sa 'yo?"
"Sabi mo sa 'kin, silang tatlo ang tinik para sa 'kin sa mga daan. Pero hindi ko nilabas 'yun. Sila nag-open sa 'kin, ang tinik ni Mommy Zita, ako si JC, si Rob. Sandali lang, huwag ka muna mag-react."
"Paano naging ikaw? Kung tayo naging click na, makikinig ka pa sa iba?"
"Sabi na nga nila nga. Kumbaga sinasabi mo raw sa kanila 'yun. Dumating daw kay Rob na ang tinik daw ni Rob si Mommy Zita, ako tsaka si JC."
"Siya nagsabi niyan. Gusto mo tawagin mo si Rob."
Charisse who was lying next to Cris and Marlon just observed them quietly, "Cris was getting irritated already kasi sinasabi niya na parang Marlon was telling Cris na ang tinik for him was these three. Tapos he was telling another story to Rob, another story to JC. Alam mo 'yun. Parang he was mixing everybody's minds."
Cris said, "Noong binanggit nga nila 'yun, sabi ko sa sarili ko, 'Sabi sa 'kin ni Marlon ganoon din na ang tinik ko kayong tatlo.' Sabi ko. Kasi bago nila masabi, sinabi nila sa 'kin 'yun."
Suddenly, Marlon held a note that said, "Tinago ko ang flint o pang-apoy. Binuhusan ko ang apoy at baga bago tayo umalis. Sige iboto niyo ako!!!"
"Mamaya, ibibigay ko 'to sa 'yo bago tayo umalis, ibibigay ko sa 'yo itong sulat," Marlon told Cris.
"Para?" Cris asked.
"Wala lang, basahin mo lang."
"No problem."
"Later."
Marlon felt he had a fool-proof plan since the tribe certainly could not do without fire.
Threats
"Didiretsuhin kita. Pag nalaglag ako mamaya, sa 'yo ko ibibigay 'yung ano (black pearl), Marlon warned Cris.
"Walang problema doon," Cris said.
"Walang samaan ng loob."
"Oo naman. Walang problema sa 'kin 'yun. E, baka ikaw may sama ng loob?"
"Hindi nga. Wala. Basta inaano ko lang."
"Paano mo nasabing walang samaan ng loob?"
"Asahan mo na 'yan, sa 'yo ko ibibigay 'yan. Magagamit nila sa 'yo kasi hindi ka nag-isip, pare."
"Kaya nga sabi ko sa 'yo, kung hanggang saan ako."
"Ikaw ang unang (tatanggalin nila). Sa tingin mo magtitiwala pa sila sa inyo?"
"So, meaning to say, hindi mo nga matanggap?"
"Hindi mo alam kung strategy ko 'yun, pare. Sa larong 'to, lahat ng bagay legal, pare. Pagiging masama, pagiging bad boy."
"E, alam mo naman pala, e. Tumahimik ka na lang."
"Pero asahan mo, pare. 'Pag natanggal ako mamaya, may aalagaan kang itlog."
"Walang problema doon sa 'kin. Kung pumunta sa 'kin 'yun (black pearl). Sumunod man ako sa pagwala mo, tanggap ko 'yun. Bukal sa kalooban ko 'yun. Sa 'kin kasi, sa expression ng mukha mo, parang hindi mo matanggap."
"Talagang hindi ko matanggap."
"Nasa sa iyo 'yun. Iba ikaw, iba ako. Mahirap bumalanse sa mga taong kasama natin. Be sport."
"Pero, pare, 100 percent hindi ako matatanggal mamaya. Maniwala ka sa 'kin. 100 percent hindi ako matatanggal."
"Okay. Wala akong magagawa."
Crazy
With Marlon's seemingly endless ranting, Cris thought all the pressure and anxiety was driving Marlon near the edge, "Nakikita ko sa ugali ni Marlon, iba. Parang lumuwag ang turnilyo. Kulang na lang change oil, tune up 'yung utak, e. Kasi feeling ko parang nagkakaroon ng parang side effect na kinakabahan siya na hindi niya matanggap na mawawala na siya."
Cris told Marlon, "Mas matutuwa ako 'pag 'yung sinabi mong hindi ka matatanggal mamaya. Luluhod pa ko, magpapasalamat pa ko sa 'yo."
For Marlon, Cris' statement was very revealing, "Parang ang yabang na. Siyempre, alam ko na na ako ang tatamaan ng boto."
"Mawala man ako mamaya, kung ako man, salamat. Makakakain na ko," Cris said.
"'Yun nga, 'yun ang pinaka-best, pare. Magkakasundo tayo diyan," Marlon agreed as he held up his fist to Cris.
Cris just ignored it.
"O, ayaw mo nang umapir ngayon? Kala ko..." Marlon asked.
"Para?" Cris asked.
"Wala lang."
"O, tignan mo? Para ano?"
"Para kang bumitaw sa kanin."
"E, ikaw, parang ano?"
"Wala lang."
"Sabi mo sa 'kin, bibigyan mo ko ng bola. Bibigyan mo ko ng letter. For what? Para mag-backing ako from my decide? Sa puso ko nanggaling 'yung desisyon ko okay?"
"Na ako talaga iboboto mo?"
"Paano mo nasabi?"
"May nagsabi sa 'kin."
"E, iharap mo 'yung nagsabi sa 'yo."
"Bakit ko ihaharap sa 'yo, pare?"
"Iharap mo, kung malakas loob mo. Mas maganda 'yung harap-harap. Sige."
"Hindi ako traydor katulad ng ginawa mo."
"Paano?"
"Hindi ko kayang gawin 'yung ginawa mo."
Marlon felt betrayed when Cris confronted him about the lie he told in front of JC, Nanay Zita and Rob.
"Paanong hindi mo kayang gawin, ha?" Cris challenged him.
"Hindi ko kayang ilantad 'yung taong nagsabi sa 'kin," Marlon said.
"Paanong hindi mo kaya? Wala kang assurance kung sino man 'yun. Iharap mo sa 'kin kung kaya mong iharap."
"Pare, pinagkatiwalaan kita tapos dinaldal mo ko. So, ibig sabihin iba dating noon."
"Tinanong ko siya, tinanong ko siyang maigi."
"Pero, pare, bakit kailangan mo... Sinabi ko huwag kang maingay kay JC. Traydor ka rin."
"E, wala ka nang pakialam doon."
"E, wala ka rin pakialam sa desisyon ko."
"E, bahala ka sa buhay mo."
"Pareho tayong lalaki dito."
"Walang problema."
"Gagawin ko 'yung gagawin ko, pare. Nasa isla tayo. Kaya lang sirang-sira ka na sa Manila, pare. Wala kang isang salita. Pare, sinasabi mo ganito ugali ko. Ikaw traydor ka. Ako, pare, hindi ko tinraydor ang kaibigan ko."
"Walang problema 'yun. May sarili lang akong desisyon dahil iba-iba tayong pumunta dito. Nag-solo-solo tayo. 'Yun tao nga lang na tinraydor ko , sinasabi mong tinraydor ko siya..."
"Mas deserving ka doon, pare. Apir kita diyan. Mas deserving ka doon."
"Hindi ako aapir sa 'yo."
Good deed
Later on, Marlon talked to Rob about his plans before the Tribal Council.
"Tapatan lang, pare. Ako iboboto niyo 'di ba?" Marlon asked Rob.
"Hindi kita masasagot. Hindi nga seryoso. Seryoso akong nakikipag-usap sa 'yo," Rob said.
"Wala kayong sabihan ng ano, kung sinong iboboto?"
"'Di ba sabi ko sa 'yo, mayroon silang pulong-pulong. It will always be my decision. Baka naalala mo, muntikan na 'ko."
"Hindi, pare. Hindi kakampi mo 'yun, e."
"Pagkatapos ng Tribal Council mamaya, dito pa kaya ako matutulog?"
"Malamang, kasi 'di ba, jury?"
"Hindi. Hindi na. Sa iba na. Parang gusto ko na ngang ibigay, e, para makakain na, e. Parang gusto kong pag-usapan tapos itatapon ko na lang. Itatago ko 'yung bola."
"'Pag ginawa mo 'yun, pare, pag-uusap-usapan 'yun. Magandang diskarte 'yan, a."
"Parang gusto ko, pare, wala nang masaktan sa mga katribo natin."
"Ikaw? Paano mo makukuha 'yung bola?"
"Hindi, sasabihin ko kay Charisse, 'Charisse, akin na 'yan. Tatapon ko 'yung bola, kakausapin ko na lahat, harap-harapan tayo. Kakausapin ko 'yung buong tribo para matapos na 'yung sumpa ng perlas na 'to. Itatago ko na siya dito sa loob. 'Pag dating doon, ako na iboto niyo."
"Baka pumalag si Charisse, kasi dalawang boto 'yun sa kaniya."
"Sabagay, 'yun lang."
"How are you gonna do that?"
"E, kaya lang, hindi alam kung gaano katindi 'yung sumpa. Mamaya 'pag nawala 'yan, okay dahil wala ka, ikaw ang maka-Cast-off ngayon. 'Yun ang ikakatakot ni Charisse, pare."
"Hindi, brod, two votes lang 'yun."
"Sure ka?"
"Two votes, pare. Ano ka ba? Hindi ka ba nakikinig? Sa Diyos ko sinusumpa at sa pamilya ko, hindi ko sasabihin, kanino mo ibibigay 'yung perlas?"
"Hindi ko pa nga alam, e. Pinagti-tripan ko pa lang si Cris, pare. Pero definitely hindi si Cris and pagbibigyan ko. Malabo rin kay Kaye."
"Ito lang 'yan, e. Kung hindi mo ibibigay kay Cris, hindi mo ibibigay kay Kaye. Hindi mo rin ibibigay 'yan kay Zita, hindi mo ibibigay kay JC. **** sa 'kin mo ibibigay? Anak naman ng poncho!"
"Ang gusto ko nga, pare, mag-usap-usap tayong lahat. Ganoon din naman mangyari. Nararamdaman ko naman."
"At least nakagawa ka pa nang maayos."
"Mayroon akong strategy, tatlo, pare. Isang gagawa ako ng mabuti..."
"Which is 'yun ang plano mo?"
"Isang gagawa ako ng masama..."
"Ano 'yung masama?"
"It's for me to know and for you to find out."
"Alright. Okay."
"Then 'yung isa, mangungulit na lang ako."
"Ano'ng klaseng pangungulit?"
"Sa 'kin lang din 'yun, pare."
The good boy's plan
Marlon explained his plan to Charisse, Cris and JC. He wanted to throw away the black pearl to end the curse.
Although Charisse will definitely get two votes during the Tribal Council, Marlon thought everybody would vote for him anyway so he will still be the one to leave the tribe.
At least he was able to get rid of the black pearl before he left, an act that could possibly benefit the remaining tribe members.
"Si Cris kasi nagdadabog na, e. Iboto niyo na lang ako. Kukunin ko 'yung perlas. Iwawala ko. Bahala kayo. Nasa desisyon ni Charisse 'yun. Two votes lang hindi siya matatanggal," Marlon said.
"Pero, promise, hindi mo naman alam kung ano 'yung twist ng game na 'to, e," Charisse said.
"Basta ako, pare, ayokong ibigay sa 'yo. Definitely gusto ko wala akong mapasahan. Sorry na lang. Desisyon mo Charisse. Boto niyo, pare. Okay?" Marlon said then he walked away.
Then Cris asked, "Paano mangyayari 'yun? E, sinu-surrender kay Paolo 'yan, e. For example, 'yung kay Rob sinurrender niya. Na-vote out si Vern. Kinuha ni Vern, ibinigay sa 'yo. Hindi puwedeng itapon ni Vern 'yun. E, actual nandoon ka sa Tribal Council, itatapon mo? 'Yung mga pagbibigyan, 'yun ang magde-decide kung itatapon para maging second vote. In the next voting doon ka na lang magde-decide kung sigurado ka na kung itatapon mo talaga o hindi."
"Gusto ko mahinto na 'yung sumpa na 'to. Kasi, pare, ang sakit sa puso kung kanino mo ipapasa 'yan, 'di ba? Pare, gusto kong gumawa ng kabutihan," Marlon explained.
Cris did not think Marlon's idea was a good deed but a crazy tactic.
"Sobrang tuliro na. Alam na niyang mawawala na siya from this game talaga. So gumagawa na siya ng mga paraan na ikagugulo namin," Cris said.
Meanwhile, Marlon thought Cris just could not get the idea.
"Sinabi ng iba, maganda intensyon. Parang si Cris, ewan ko, ang taba ng utak ng taong 'to, nabobobohan talaga ako. 'Ay hindi ganito, ganito.' Hindi niya nakikita 'yung kagandahang loob, e. Kumbaga sa ano, naglalaro sa'kin, mag-demonyo o maging super anghel."
After Charisse disagreed with the plan, Marlon announced, "So sa pag-aabutan ko na mamaya ng perlas o magkaroon ng Tribal Council, walang samaan ng loob."
When Marlon walked away, Cris told Nanay Zita, "Hindi marunong makaintindi ng paliwanag ito. Maluwag na yata tornilyo nito. Sabi niya sa 'kin niya raw ibibigay, e, siyempre iingatan ko 'yun. Kulang yata sa buwan 'to, e. O, baka sumobra sa buwan."
"Ano'ng sabi niya? Gusto niyang gumawa ng kabutihan? Ewan,"Nanay Zita said.
"Ako, ayoko kasi feeling ko mapa-punishment ako," Charisse said.
Charisse was doubtful of Marlon's intentions, "Hindi ako naniniwala na posibleng mangyari. Gusto daw niya mag-change ng image, maging good boy na raw siya ngayon. Hello?"
But Marlon was persistent in trying to convince Charisse to give him the black pearl.
"Whoever receives that ball, it's really part of the game. So if it's your last act of kindness, you can think of another thing instead of that," Charisse explained to Marlon.
"I know. 'Pag nag-isip ako ng iba, definitely hindi mo magugustuhan," Marlon warned.
"Ng last act of kindness?" Charisse asked.
"Last act of kindness? No."
"Akala ko ba 'yun ang reason mo for getting the ball, because you want to change your image. I don't get it."
"Dalawang klaseng personalidad mayroon ako dito, isipin mo na lang kung ano 'yun."
Charisse gave up and turned to JC, "JC, I'm confused."
Marlon tried to explain, "Hindi, kunyari, tinago mo 'yan, siya nawala..."
But Charisse had had enough, "Marlon, Marlon..."
"Okay, I understand," Marlon said then he walked away.
"Stop going here na and convince me," Charisse said.
Though he already walked away from the group, Marlon still talked about his plan.
Kaye suddenly blurted out, "Hindi nga niya alam kung ano'ng kapalit, e, kung nawala. Hindi mo ba maintindihan 'yun."
Charisse did not want to take any chances, "Alam mo si Marlon, feeling ko talaga may plano siya against me kahit na sinasabi niya na hindi niya ako i-vote out kasi natatakot talaga ako na nanakawin niya 'yung perlas ko tapos mayroon na siyang dalawang kaalyado diyan."
In his frustration, Cris confided to Rob, "Alam mo may plano na kami kanina. Sabi niya, 'Cris 'pag mapupunta sa 'kin 'yang bola na 'yan, ibibigay ko sa 'yo.' Sabi ko, 'Sige, go ahead.' 'Hindi mo alam? Mag-isip-isip ka.' Ginagaganoon niya ako. 'Pag-alis dito, bibigyan pa kita ng letter.' (Sabi ko), 'Okay, go rin.'"