Episode 50: Lovers, friends and enemies
Although his earlier efforts to dissuade his fellow tribe members from voting him off failed, Marlon still hoped that they would change their minds.

"Medyo nagkakabulungan sila ng iba. Pero siyempre hindi ko ma-channel dahil hindi nila talaga ipaparinig sa 'kin 'yun. 'Yun ang hinuhuli ko," Marlon said.

That night, Marlon diverted the attention to Rob to take their minds off the Tribal Council.

"Dito sa Survivor Philippines, ikaw ang chickboy," Marlon said.

"Bakit ako?" Rob asked.

"Ikaw. Chickboy, puwede sa chick, puwede sa boy," Marlon answered.

Rob just laughed and said, "**** umayos ka."

But Marlon teased him further. "Pero pare, talaga gaano mo kamahal si Vern?"

"Mahal? Like na lang," Charisse chimed in. "Sige na, share."

Rob pretended to fall asleep and snored.

"'Yung iba kasi, pare, tuksuhan lang," Marlon said. "Pero sa 'yo, iba dating. Totoo 'yung ano, e."

"Ikaw ang lakas-lakas mo manukso. Ikaw nga, game nga," Charisse told Rob.

"O, ayan. Maglaro tayo," Marlon said.

"Don't tell a lie," Charisse said.

"Oy, Marlon, ako may ningning sa mata ko? Ako? Ako?" Rob asked. "'Yun ang akala mo."

"'Yung mata mo, pare. Parang nagmumura 'pag tinititigan mo (si Vern)," Marlon said.

Then Rob turned to Charisse and said, "Tignan mo nga tsong, kung may ningning sa mata ko."

Charisse just laughed.

Then Nanay Zita said, "Marlon, halika may ningning sa mata ni Rob, tignan mo."

"Patingin, bro," Marlon said.

Then Rob looked at him, opened his lids and crossed his eyes.

An unusual plan

While the others were having fun, Cris and Kaye were talking about more serious matters.

"Ang gusto talaga nila (iboto) si ano," Cris said.

"Si Marlon," Kaye said.

"Kung mag-do-double man, si Cha."

"Naguguluhan ako, sobra. Imagine mo ang matitira si Nanay Zita at saka si JC. **** parehas malakas."

"Ang punto nito kasi, makapasok lang tayo sa top 5."

"Hindi puwede si JC, may immunity necklace."

"Ay, oo nga pala. Gusto ko mabiyak si Rob at si JC."

"'Yun nga, e. Kailangan matanggal isa sa kanila."

"Si Rob kaya? Parang madaling kalaban si Rob, e."

"Isa lang dude, pare, isa lang dude sa tatlo sa kanila ang masibak."

"Si Mommy Zita, si Rob at saka si JC. Nakausap ko si Mommy Zita kanina. Sabi niya, wala na daw siyang tiwala kay JC kasi daw alam niya daw may alliance si Rob at saka si JC. Si Charisse na lang tanggalin natin at saka si Marlon. Ngayon babae naman ako, kayang-kaya ko kausapin si Mommy Zita."

"Gusto ko lang sa dalawa, masibak 'yung dalawa. Si Mommy Zita at saka si JC, 'yun lang. 'Pag 'yun nawala, makakaluwag tayo ng hininga."

Suddenly, Cris thought of an unusual set-up to forge his alliance with Kaye.

"Ganito na lang, gagawa ako ng istorya, huwag mong ikasasama," Cris said. "Gagawa ako ng istorya, kunwari nanliligaw ako sa 'yo."

"Ano?" Kaye asked surprised.

"Huwag mong ikasasama 'to, a. Napapansin ni JC kasi na concerned ako sa 'yo 'di ba? Pa-cute, pa-cute etcetera. Kahit tuksuhin tayo, wala 'yun. Para may time tayo makapag-usap."

"Sige, naiintindihan ko."

Fun and frolic

The next morning, heavy rain poured down on the Chalam camp.

Instead of huddling inside the shelter and struggling to stay dry, the Castaways frolicked and played in the rain.

"Nagma-taya-taya kami, takbuhan, ligo sa dagat. Basta sobrang saya namin kasi ang lakas talaga ng buhos ng ulan kaya nakaligo kami ng hindi tubig-dagat, tubig-ulan ang nangyari," Cris said.

It was as if everyone was set free from the cares of the world and they were one big happy family.

"From day one up to this very moment. Ito 'yung araw na isa sa pinaka-highlight na masasabi ko dahil ito 'yung kauna-unahang beses na naligo kami sa ulan. Hindi lang kami basta naligo, naglaro pa kami at ang saya. Especially Charisse and Kaye, hindi mo maiisip na ang bilis palang tumakbo," Rob said. "Pero noong naghabulan kami, mamamatay ka sa kakatawa. Takbuhan to the max talaga. Parang run for your life!"

JC was happy that they were relieved of their worries even for just a few moments.

"Hindi ko inakala na kahit marami kaming iniisip dito na problema, alam namin na darating 'yung point na magkaka-vote out kami dito na magkakalaban kami dito, at least, kaming nandito na-experience namin 'yun," JC said.

After the game, Marlon went back to the shelter to fan the fire.

"Nilagyan ko ng bubong 'yung apoy. Iniisip ko ngayon, 'Hihipan ko 'to, e, papatayin ko rin naman 'to mamaya.'" Marlon said.

But he changed his mind, "Parang sinabi ko 'Huwag ka munang mamamatay.' Kasi siyempre mamaya, ginawin kami bigla so pinaypayan ko. Sabi ni ano, 'O buti naalala mo 'yan?' Sabi ko, 'Oo, pare. Papatay na nga, e.'"

As if to give her a hint about his plans, Marlon told Charisse, "'Yan ang pinakamahirap na mawawala sa isla, apoy."

Then he advised Charisse, "Basta 'yung pagbibigyan ko ng bola, gamitin niyo. Bahala na, gamitin niyo 'yung bola ng bibigyan ko. Pero hindi mo alam kung ano 'yung nasa isip ko pa. Ewan ko, hindi mo alam, mayroon akong pinag-iisipan ngayon na dalawang bagay, e. Pero ngayon hindi pa ako nakakapagdesisyon."

Charisse said, "Kasi sige lang. Basta at the end of the day, let me know."

Farewell feast

Knowing that it might be his last day in the island, Marlon prepared to cook his special Jarakay rice and soup as a farewell feast.

"Sabi ko, 'Kaye, o, 'di ba matagal mo na hinihirit sa 'kin 'yung rice sa kawayan?' Parang gustung-gusto kasi ng mga Naak 'yung Jarakay rice kung tawagin. Kasi 'yung rice namin, diyan na kami nasanay, e. Kasi 'pag kinain mo 'yung rice sa kawayan, lasang suman siya, e. So, sabi ni Kaye, 'Oo, ang sarap.' So, mayroon talaga akong itinabi doon. Sabi ko, matatanggal man lang ako, gusto ko halaan, Jarakay rice. Kasi 'yun ang hinahanda ko dati 'pag may matatanggal, e. So sabi ko, paghahanda ko naman 'yung sarili ko," Marlon said.

As they were gathering clams, Marlon confided to Rob that he might change his mind about pushing through with his sinister plan.

"Kaya lang, pare, magiging masamang tao ako, pare, 'pag ginawa ko 'yun, e. Promise, magiging masamang tao ako. Ayoko naman ng ganoon, isusumpa niyo ko," Marlon said. "May idea ka ba, pare sa sinasabi ko sa 'yong masama? Ano'ng idea mo doon?"

Rob seemed clueless, "Mayroon kang aahasin talaga, gagapangin. Para talagang gagawin mo lahat para bumaligtad at masira 'yung stratehiya."

"Hindi, pare. Lahat kayo, in a split second kaya kong baguhin ang desisyon niyo. Nuclear, pare. Bibitawan ko 'pag ka ginusto ko, kaya lang mawawalan talaga ako ng kaibigan. Sa Manila, a," Marlon said.

Though they were not allies, Rob still wanted Marlon to stay in the game, "Ako, ayoko muna si Marlon ma-out. Dahil unang-una, sa tingin ko, a, naiinis sila sa tao pero ako hindi ako naiinis."

Best enemies

Nanay Zita helped Marlon prepare the Jarakay soup and told him that it tasted just right.

But Marlon wanted to add another cupful of saltwater. Cris who was seated nearby shoved Marlon's hand.

"Alam mo kung nakakatunog kang mawawala ka, huwag mong gawin sa pagkain. Sobrang alat, pare. Honest to God. Ginawa na namin dati 'yan, ang alat 'pag niluto," Cris said.

"Parang bibigyan tayo ng sakit sa bato," Charisse joked.

"Hindi ako sang-ayon sa luto niya, e," Cris said.

"Okay. Whatever," Marlon said.

"Mali 'yang ginagawa mo," Cris said.

"Wala kang pakialam. Hindi ikaw nagluluto," Marlon said.

Cris didn't stop talking causing the discussion to escalate into a word war.

"Puwede naman gawin ng lahat 'yan, e, huwag mo lutuin," Cris said.

"Bakit? Huli ko rin naman to, a," Marlon said. "Huwag mo kong inaasar nang ganyan, pare."

"O, bakit din? Bakit? Hindi kita inaasar, oy!"

"**** ang tagal ko nang nagluluto sa Jarakay, pare. Ano'ng tingin mo sa 'kin?"

"E, mali luto mo, e. Ha? Alam mong aalis ka, dadaanin mo sa pagkain?"

"Alam ko aalis ako, ginagawa ko 'to, pare. Dapat kung aalis ako, hindi ako mangunguha ng pagkain. Ang utak mo, ang taba, pare. **** ka pala, e. Nagmamagandang loob na nga, pare. Ugali mo ayusin mo. Umayos ka, pare."

"Bakit? 'Di ba 'ko maayos?"

"Oo! Hindi ka maayos. Ayusin mo ugali mo, pare. Mas masama ugali mo sa 'kin, sa totoo lang."

"Oo, sira na ko sa Pinas. Masama ugali ko."

"Mas masama ugali mo kaysa sa 'kin."

"Lose boy!"

"**** you! man. **** you!"

Despite their differences, Charisse sided with Marlon, "Ang weird ni Cris noon, e. I felt sorry for Marlon at the time kasi he was trying to be nice to everybody. So parang, it was Marlon's way of cooking and that's the way he cooked the Jarakay soup before."

But Cris did not want to stop and provoked Marlon more.

Marlon said, "*******! Nagluluto ako dito, Nanguha ako ng pagkain. Gusto kong kumain ng halaan. Tapos sasabihin mo sa 'kin ganoon? Dadaanin ko sa... **** ka! *******! Umayos ka. Ganda ng ugali mo. Nagmamagandang loob na nga 'yung tao, gaganyanin mo pa."

Kaye and JC tried to calm down Marlon.

Though Cris was her ally, Kaye also sided with Marlon, "Mali si Cris talaga sa nakikita ko. Dapat hindi niya sinabihan (si Marlon) ng ganoon."

Rob also approached Marlon and tried to pacify him.

Marlon was still angry, "**** pare, sinasabihan niya ko. Alam niya ba kung gaano ko katagal niluluto 'to?"

Rob said, "Continue with what you're doing."

"Huwag niya kong babarahin, nababastusan ako sa kaniya, pare. Pare, ako nagmamabuti dito, huwag niya kong titirahin ng mga salitang ganoon, pare, dahil masama rin akong tao. ****! Hindi ko gusto ang tabas ng bunganga nitong ****** 'to, e. Parang gusto niya magsuntukan kami sa isla, e. Pare, kahit ganito ako kalaki, wala akong kinakatakutan, pare."

Meanwhile, Rob gestured to Cris to just stop talking.

But Cris was persistent, "Natatakot nga ako sa 'yo, e, nanginginig pa o, nanginginig, nagba-vibrate body ko, o."

"Umayos ka Cris. Umayos ka, Cris. Ang pangit ng breeding mo, pare. Tignan natin kung sino tama sa 'ting dalawa."

Marlon admitted he was hurt by Cris' accusation, "Tao lang din ako siyempre. Ito na nga, hinahanda ko na sarili ko sa pag-alis ko sa camp. Sira-ulo ka, a. Parang sabi ko, naisip ko, gigilin ko na lang kaya 'to si (Cris). Parang lumabas na naman 'yung dark side ko. Gusto kong gigilin si Cris, 'yung tipong aambaan ko siya, biglang sapakin niya ko. Ops, one down, 'di ba? Bawal dito 'yun."

Marlon then approached Cris with a shovel in his hand, "Ha? Ha? Ha? Whatever!"

Cris said he was ready to fight with Marlon if he had to, "Hinihintay ko na lang kung anong gagawin niya. Kasi kung mananakit talaga siya, ba't hindi ko rin siya saktan. Bahala na kung matanggal kami parehas."

JC also sided with Marlon, "Doon sa away nilang 'yon, sobrang kumampi ako kay Marlon noon, e. Kahit hindi ko pinakita kay Cris na kumakampi ako. Pero doon ako sa may side ni Marlon na sinasabi ko 'Tama na 'yan. Ako, naiintindihan kita.'"

Rob still tried to calm down Marlon, "Please do it for us. Alright?"

Then Charisse joined them and massaged Marlon's head, "Woozah!"

Marlon finally stopped and smiled, "Woozah! Anger management."

While waiting for the meal to cook, Marlon left instructions to Charisse and JC.

"Basta andito 'yung kusot, mga chinop kong kahoy," Marlon said while pointing to the crate.

Charisse seemed to have an inkling of Marlon's plan to hide the flint, "Pero 'yung flint, a."

"A, andito 'yun, sinafety ko 'yun. Basta andito lahat 'yan. Huwag kang mag-alala. Ako naka-safety lahat ng mga bagay na 'yan," Marlon said.

Weakling turned ally

JC offered an alliance to Charisse.

Charisse agreed knowing that she had a strategic position.

"They have plans of killing the Naak alliance already and bringing me in because they have trust issues already with Kaye and Cris. Sabi ko na nga ba, aabot ako sa point na ganito I know that the weakest of the second tribe, kunyari kung mas lamang sila sa 'min, normally 'yung pinakamahina 'yung huling natatanggal. 'Yan 'yung nagiging deciding factor, e. So pag-aagawan ka talaga," Charisse said.

Before heading to the Tribal Council, Marlon teased Charisse, "Nakuha mo na 'yung isang nuclear 'di ba? Dinetonate ko na. May isa pa kong nuclear dito, e. Pasabugin ko kaya 'to mamaya. E, ayoko pang umuwi."

"Mag-impake na nga ako!" Charisse shouted. "Buwisit si Marlon, may gagawin talaga mamayang gabi."

Charisse admitted she was still nervous about the Tribal Council, "Anything can happen. I still have this freaking black pearl. Who knows if I'm gonna be voted out tonight."

Meanwhile, Rob was advising Cris, "Basta ano, pare, positive ka lang. Think of your three kids."
As the hour of the Tribal Council drew near, each of the Castaways were harboring doubts.

Marlon thought Kaye had a hidden agenda while Kaye suspected that Charisse was already in an alliance with JC and Rob.

Before they left the camp, Kaye led a prayer for the tribe, "Sana po walang samaan ng loob, Lord Jesus, sana po ganoon pa rin po kami. Laro lang po talaga 'to. Sana po walang personalan. Mahal na mahal po namin ang isa't isa. In Jesus' name, we pray. Amen."

Brutal game

Before the Tribal Council began, Paolo called in Jace and Kiko.

Then Vern, who was fully made-up and clad in a green cocktail gown, entered and posed in front of Chalam.

Paolo: "Sa reward challenge natin kung saan isang sibat ang kailangan ibato, nag-practice ba kayo noong umaga?"

Cris: "Ako, nag-practice ako one time lang. Pero sila nag-practice talaga, lalo na si Marlon. Kita ko talagang todo practice niya."

Paolo: "Noong nakita mo sa 'yo ang pinakamalapit sa target, ano'ng naramdaman mo noon?"

Cris: "Hindi ko alam na ako pala panalo. Akala ko si Rob ang mananalo kasi mas malayo 'yung nabato niya, e."

Paolo: "Marlon, ikaw 'yung pangalawa sa reward na 'yun. Ikaw 'yung second na pinakamalapit sa target. Ano'ng naramdaman mo noong nakita mong ikaw 'yung pangalawa?"

Marlon: "Iniisip ko kung hindi ako second, third, 'yung pizza. So sinabing second ako, sabi ko 'Yes! Burger.' Ganoon na kaagad ako. Kasi 'yung hobby ko is paggawa ng sword, improvised weapon, bow and arrow. So kaya talaga iniisip ko, dapat 'yung laro na 'yun sa 'kin, e."

Paolo: "Pero dumating 'yung punto na Cris kailangan kong itanong sa 'yo kung paano ka pipili. Ikaw 'yung magde-desisyon kung ano ang kakainin nino?"

Cris: "Masyado talaga akong nahirapan talaga, e. Pero una talaga noong sinabi mo kanino mapupunta 'yung pinakamasarap, sabi ko talaga sa 'kin kasi first time ko lang makakain ng ganoon talaga. Pero pagdating doon sa dalawa kay Charisse, tsaka kay Marlon, doon ako medyo parang nawala sa sarili na nahirapan akong pumili sa kanila. Pero wala na kong magawa, wala na, e. 'Yun ang naging desisyon ko rin."

Paolo: "Marlon, noong nalaman mong kailangan si Cris ang pumili kung sino 'yung kakain ng ano, napansin ko tumingin ka na sa buhangin, pinagsisipa mo na 'yung buhangin, bakit?"

Marlon: "Actually, Pao, 'pag ang nanalo talaga member ng Naak, hindi na talaga ako aasang makukuha kasi 'yung sinasabi nilang 'yung dating Naak at saka Jarakay, nawala na 'yung poste, kasinungalingang malaki. Buo pa rin ang Naak para sa 'kin."

Paolo: "Hindi mo pakiramdam na medyo unfair yata ito. Ako 'yung naka-second place. Bakit ang nakuha ko sampaloc at softdrinks?

Marlon: "Actually, Pao, doon lang ako sa katotohanan talaga. Naglalaro kami dito. 'Tong larong 'to, napaka-brutal, e."

Paolo: "Inasahan mo ba na ikaw 'yung tatawagin ni JC bilang isa sa mga puwedeng makakita ng kabuuan ng message mula sa loved one?"

Marlon: "Talagang nilaban ko 'yung laro na 'yun para makita ko talaga 'yung message nang buong-buo. So noong pinili ako ni JC, talagang sabi ko, hindi ko ipagpapalit 'to doon sa resort or 'yung ibang natanggap. Sobrang thank you talaga, 'yun ang naramdaman ko."

Paolo: "First time na makita kang umiiyak, humahagulgol. Ano 'yung nararamdaman mo? Ano 'yung iniisip mo habang pinapanood mo 'yung message?"

Marlon: "Ako kasi 'yung tipo ng tao na tinatago lang 'yung nararamdaman kahit gaano kalaking hirap. 'Yung tunay na pagkatao ko lalabas once na nakita ko 'yung girlfriend ko, 'yung family ko, 'yung mga relatives ko."

Paolo: "Napuna kong umiiyak ka, humahagulgol, sabi ko Marlon first time naming makitang ganyan ka. At muli sinabi mo na, naglalaro ka."

Marlon: "Para sa 'kin, 'yung larong ito is malayong-malayo sa personalidad ko, kung ano 'yung pinakita ko, kung ano 'yung nilaro ko ay napakalayo sa pagkatao ko. Dito sa 'kin, we're just playing a game. Marami na kong personalidad na nailabas dito, naging jolly ako, naging komedyante ako, naging bad boy ako. Kung nakikita mo sa bandang huli, naging emo na ko. 'Yung ginawa kong 'yun, lahat 'yun para mag-survive ako."

Paolo: "At any point ba noong pinili mo si Marlon, pinili mo siya dahil nakatingin ba siya sa 'yo? Naramdaman mo ba na nagmamakaawa siya na gusto niya ring makita 'yung message?"

JC: "Actually, noong pinili ko siya hindi ako nakatingin sa kaniya. Parang tumakbo sa isip ko na gusto ko fair na may makuha lahat. Gusto ko ma-feel niya rin na may chance pa rin siya."

Paolo: "'Yung paninindigan na pagiging fair at 'yung mga desisyon na ginawa mo, dumating ang punto na wala 'yang immunity necklace sa leeg mo at ikaw na-vote out, paano na 'yun?"

JC: "Kung i-vote out man nila ako, okay lang at least napakita ko sa kanila 'yung sarili ko kung paano ako maglaro."

Paolo: "Mommy Zita, natatakot kang ma-vote out dahil...?

Nanay Zita: "Ang dami ko po talagang problema sa Pilipinas na iniwan. Kaya po talaga gusto kong manatili pa talaga dito kung hanggang saan ako kumbaga ang buhay ko dito. Talagang lahat ng pagsubok sa akin, patalunin man ako ng pinakamahabang tuktok nitong bundok dito sa islang ito, tatalon ko."

Paolo: "At binanggit mo dito 'yung ilan sa mga kamag-anak mo na may sakit."

Nanay Zita: "Ang sakit ng tatay ko, arthritis siguro dahil matanda na siya. Tapos 'yung ate ko, 'yung sinabi niya sa 'kin, may cervical cancer siya. Tapos 'yung kapatid ko na sunod sa akin, goiter ang sakit din niya. Tapos 'yung isa ko pang anak, malaki po 'yung isang itlog niya, gusto ko po talagang ipa-opera. Tapos gusto ko po mapa-aral 'yung mga anak ko kasi ang hirap po talaga ng walang pinag-aralan. Gaya kahapon na puro English ang question, totoo po, nahirapan po talaga ako. Pero 'yun na nga sabi ko, kung halimbawa hanggang saan man ang buhay ko dito sa islang ito, tatanggapin ko po nang maluwag sa puso ko po."

Paolo (reading Marlon's letter): "Tinago ko ang flint o pang-apoy. Bago pumunta sa Tribal Council, binuhusan ko ang apoy para hindi nila ako maboto."

Marlon: "Mayroon pa akong isang nakakatakot. Kung nakakayanig na 'yang apoy na 'yan, mayroon pa akong isa dito. It's for me to know and for you to find out guys."

45 Response(s) to "Episode 50: Lovers, friends and enemies"
Showing 1 to 16 of 45
« 1 | 2 | 3 »

» iewoc said on December 2, 2008 09:21 AM
jc galingan mo nanood ako kagabi sana ikaw ang nanalo sa challenge ok better luck next time .
» nheraine_07 said on November 30, 2008 06:35 PM
grabe tlg c marlon 2ng gabing 2 sobrng desperado ng wag mboto.....grabe ka tlga marlon...kaw na ang pinaka______!!!!
» boss_dick said on November 26, 2008 10:13 AM
the best ang survivor philippines!!!! wouldnt miss it....even for a bucket of ice cold beer!!!!! hahaha!!! 2 buckets pwede!!!! hahahaha!!!!
» boss_dick said on November 26, 2008 10:12 AM
marlon, mahihiya sayo sina paquito diaz, max alvarado,joaquin fajardo & romy diaz!!!! grabe pgka Hudas mo the best ever!!!! di pa naka create ng ganyan kasamang character si carlo j. caparas!!! di ka tatanggapin sa impyerno....bka ma vote out mo si lucifer!!!! nagmukhang boy nextdoor mga kontra bida ni FPJ a!!!!
» proudly_kapuso said on November 26, 2008 09:19 AM
actually hndi naman ako naiinis kay marlon eh! sa strategy lang niya! parang si emerson! pero mas masama xa compare to that person!
» proudly_kapuso said on November 26, 2008 09:17 AM
HAYYY NKU SI MARLON TALAGA!\r\n\r\nLALAYAS NLANG SA ISLA, MANANAKOT PA!
» monztersinc said on November 26, 2008 07:16 AM
guys, i really love survivor philippines. sana bomoto din kayo sa pepdotph sa newest poll nila... ayaw natin matalo ang SP diba against PFF? to all dottv users, you can easily access that site now coz it has the same AllAccess service provider. tnx.
» ziggytwiggy said on November 25, 2008 01:48 PM
yes! na vote out na c marlon!
» mav said on November 25, 2008 11:15 AM
At last Marlon was voted off but an island without a devil is not that entertaining anymore... surely Marlon added spice to the whole show... his strategies didn't work and his behavior didn't paid him well... nakakatawa lang kasi Marlon was so desperate not to vote off but his clanmates had had enough of his disturbing behavior.
» agent_crimson said on November 25, 2008 09:41 AM
:; HaAY.. wla N c MArLON.. FeaR FActOr na PapaNOOdin KO..
» audreylynnesagnip said on November 25, 2008 09:36 AM
buti nga sayo baboy ka!!!may blackmail blackmail kpa kz nalalaman did you see the look of your fellow cast away dude di cla natututwa sayo..baboy na katawan mo pati ugali mo baboy din.
» ladyyellow said on November 25, 2008 09:26 AM
sometimes i just thinking if marlon is a realy player of survivor or just planted to make the game more interesting... hmmmmmmm...... hindi kaya iyon ang pasasabugin nya na "HEY GUYS WAG KAYONG MAGALIT SAKIN WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG" hindi kaya iyon ang sasabihin nya?
» shanangshane3 said on November 25, 2008 08:43 AM
ay salamat naman at c marlon na ang natanggal kasi grabe na talaga ang ugali nya hindi na asal ng isang tao... akala nya kc ni marlon matatakot sa kanya ang iba na hindi sya iboto kc sa ginawa nyang pam blackmail at pananakot eh d lalo lang sya na ivote out at kahit c charisse na kaalyado nya eh sya ang tinanggal...... sayang naman c nay zita sya na sana ang mananalo sa reward kc sya ang unang nakalimang kwentas eh kaso hindi nya nabilang
» teyman said on November 25, 2008 08:27 AM
MARLON???OUT...NEXT. KAYE...ANG ANGAS2 MAGSALITA..WALA NAMAN MAIBUGA. KUNDI LANG DAHIL KAY JC..WALA KANA DIN...KEA KUNG MATANGGAL NYO MAN SI JC..IKAW NA SUSUNOD..BOBA!
» janroi71 said on November 25, 2008 07:23 AM
You're such a losser! Marlon...
» susan_falceso said on November 25, 2008 06:52 AM
salamat naman at wala na si Marlon, ibang klase ung taong un napakadumi maglaro gagawin ang lahat manalo lang, its a reality show kya wat u see is wat u get,no excuse sa mga kademonyohang ipinakita nya lalo na ung pagpatol kay Zita na d nya na nirespeto bilang ina,siguro kung patayan lang kayang kaya nyang gawin, shame on u, pati pagiyak PLASTIK cguro akala nya makakakuha siya ng sympathy u_ _ k! buti nga syo out kna! now khit cnong matira at manalo ok lang,guys im so proud sa mga natira kasi malinis maglaro gud luck!

Showing 1 to 16 of 45
« 1 | 2 | 3 »

You must login to All Access to post comment.