Episode 57: Betrayal
A surprised Chalam faced their sixth Tribal Council.

Paolo: "Hindi niyo inaasahan na magkakaroon ng Tribal Council ngayong gabi 'no?"

Cris: "Tulog na kami actually."

Paolo: "Pag-usapan natin 'yung nangyari noong huling Tribal Council na inabutan ka ni Kaye ng isang black pearl at noong natanggap mo 'yung black pearl, bago pa man umalis ng Tribal Council area, ibinato mo ang itim na perlas."

Cris: "Kaya ko siya binato para ma-save na rin kami. Itinapon ko talaga 'yun para maputol na 'yung sumpa na magtuluy-tuloy."

Paolo: "At medyo suwerte ka, dahil alam mo naman, 'pag wala 'yung black pearl sa kamay mo, ibig sabihin may dalawang boto laban sa 'yo automatic. Pero dahil nandiyan 'yung Immunity necklace sa leeg mo, wala na talagang bisa ang itim na perlas."

Cris: "Nagpapasalamat din ako kay JC na naintindihan niya ko."

Paolo then told the Castaways that only one of them will remain inside the Tribal Council while the others would step outside. Only the jury will witness and hear the conversation that would take place.

Nanay Zita was the first Castaway to be interviewed by Paolo.

Paolo: "Nanay, medyo lumilinaw na ba sa 'yo kung sino nga ba ang dapat kampihan mo o dapat wala talagang kampihan, wala dapat paniwalaan?"

Zita: "Dapat sa sarili na lang po talaga magtiwala gawa ng 'pag siya kausap mo, siya ang ituturo mo. Tapos 'pag siya kausap mo, ito ang ituturo. Parang mas lalo ka tuloy malilito kung mayroon kang kinakampihang isang tao. Kaya halimbawa kung boboto ako dito ngayon, talagang kung ano po 'yung karapat - dapat, siya po 'yung ivo-vote out ko. Noong buo pa talaga kaming Naak lahat, halos sunud-sunuran ako sa kanila. Tapos ito ngayon kaming lima na lang natira, wala na silang sinuggest sa akin kung sinong ivo-vote out po."

Paolo: "Kung saka-sakaling ito 'yung huling gabi mo, handa ka na ba?"

Zita: "Opo. Pero gusto ko pa nga sanang lumaban. Talagang kasi gawa ng kahirapan, talagang bago man lang ako mamatay, kumbaga makakain man lang ng tatlong beses ng kanin sa isang araw."

Cris

Paolo: "Dahil andiyan 'yung Immunity necklace sa leeg mo, ibig sabihin, automatic aabot ka sa Final Four."

Cris: "Salamat."

Paolo: "Kung sino mang matanggal ngayong gabi, paano ang magiging strategy mo para manatili ka hanggang sa final three, hanggang sa final two?"

Cris: "'Yun pa rin ang gagawin ko. 'Yung wala talaga akong gagawin. Kung gusto talaga ng Diyos, bakit hindi. Pero salamat talaga. Kung hanggang saan ako, salamat pa rin."

Charisse

Paolo: "Ikaw ang kaisa-isang Jarakay na natira sa apat na Naak. Pero sa nakikita mong nangyayari sa camp, posible bang ang maging dahilan to vote you out is because they want to go for the Naak pa rin?"

Charisse: "I know my capabilities e. But I don't think I'm much of a threat compared to others who are still competing in this game."

Rob

Paolo: "'Pag dumating sa punto na kailangan itraydor ang isang tao, kailangan talikuran ang napagkasunduan para lamang sa tatlong milyon, sa tingin mo ba kaya mong gawin ngayon?"

Rob: "Depende sa sitwasyon, Pao. Pero mas gusto kong paniwalaan na mas mangingibabaw siguro'yung pagpapahalaga sa values mo bilang tao. Ito nga Pao nakakatawa e. Lima kami sa Chalam ngayon. Itong apat na 'to, may mga Immunity necklaces na 'yun, ako lang ang wala. Naniniwala kasi ako Pao na sa Survivor, hindi ibig sabihin e, porke malaki ka, puro physical na lang ang laro. This is physical and mental."

JC

Paolo: "Napaka-risky, napaka-delikado ng ginawa mo kanina. Kung titignan natin sitwasyon mo, final five ka. Huling Tribal Council, nag - usap tayo, at sabi mo 'Kapag wala 'tong necklace sa leeg ko, ako na 'yung susunod.' Kanina siabi ko nagkasenyasan, nagkaintindihan and you stepped down. Ano 'yung tumatakbo sa isip mo noon?"

JC: "'Yun nga kanina, sobrang kaya kong tumagal e. And nakita ko si Cris, sinesenyasan niya na ko, paglaglag pa lang ni Charisse, sabi niya sa 'kin, save ko daw siya. Nagmamakaawa siya sa 'kin kasi ako na lang daw makaka-save sa kanya."

Paolo: "So naisip mo na rin 'yun na sinabi mo nga, hindi mo pinagkakatiwalaan si Cris pero ibinigay mo 'yung isang bagay na sobrang halaga sa larong ito sa isang tao na hindi ka sigurado kung tutuparin niya ba 'yung usapan ninyo."

JC: "Parang risk na lang 'yun sa 'kin. Pray na lang ako ng kung ano man 'yung decision ko, sana tama. Kung hindi man tama, no regrets, ginawa ko na e."

Paolo: "Mayroon kayong senyasan. Nakaupo na siya (Rob), nakasandal ka na doon sa poste. Ano 'yung pinag-uusapan niyo?"

JC: "Sinesenyasan niya ko na dapat daw sa 'kin mapunta 'yung Immunity necklace kasi sila Nanay Zita, ako na yata 'yung ivo-vote nila. Si Charisse yata ganoon din."

Paolo: "So sumesenyas si Rob na baka si Nanay Zita ikaw ang i-vote?"

JC: "Oo. Kaya dapat daw ako tumagal kasi ako 'yung nangangailangan."

Paolo: "JC, at this point sino 'yung tatanggalin mo? Isang threat? O isang hindi deserving sa tingin mo sa final five?"

JC: "Siguro 'yung isang threat sa 'kin."

Paolo: "'Yung tatanggalin mo? Dahil..."

JC: "Dahil nakapag - promise na ko sa mga tao. Hindi na mababago 'yung promise ko."

Paolo: "So dahil sa isang pangako. Naniniwala ka ba na sa Survivor hanggang sa huli kayang tuparin ang isang pangako?"

JC: "Kung makakaabot ako sa dulo Pao, ipapakita ko sa lahat na 'yung pangako kayang dalhin sa pinakadulo."

Paolo: "Anong basa mo kay Rob?"

JC: "Kay Rob, sobra 'yung tiwala ko sa kanya."

Paolo: "Si Cris, parang sabi mo kanina, hindi mo siya mapgkatiwalaan. Bukod doon?"

JC: "Kay Cris kasi, parang magulo ang isip niya e. Parang mahirap basahin."

Paolo: "Charisse."

JC: "Nakikita ko na isa rin siya sa mga taong puwede kong pagkatiwalaan."

Paolo: "At si Nanay naman?"

JC: "Magaling siya sa challenges. Magaling siya sa camp life. 'Yun lang hindi ko mabigay 'yung 100 percent trust ko sa kanya kasi alam ko may tendency siya na bumabaligtad siya pagdating sa mga boto."
Before the voting began, Paolo asked Cris if he would like to give the immunity necklace to another tribe member. Cris chose to keep his Immunity.

Goodbye, Nanay

Nanay Zita voted for JC, "JC, pasensya ka na dong ha. Gusto ko lang uli, makita mo 'yung girlfriend mo para magkasama uli kayo."

Cris voted for Rob, "Sorry, tol. Pero kailangan ikaw. Kasi nagpapauto ka kaagad kay JC, napapansin ko masyado kayong madikit. Intindihin mo sana ako. Pero kailangan."

While Rob and JC received one vote each, Nanay Zita received three votes.

Nanay Zita was voted off as the 14th Cast - off and became the 6th member of the jury.

Paolo warned the four remaining Castaways, "Sa darating na mga araw. Marami pang mga bagay na mangyayari na hindi niyo inaasahan. Tiyak nakikita niyo kung gaano kahalaga 'yang Immunity necklace na 'yan."

Nanay Zita's final words

"Tama talagang hindi gamitin dito 'yung puso. Dapat talaga utak ang gamitin. Kasi 'pag puso ka talaga, masasaktan ka talaga. Noong mga nakaraang Tribal Council, sinabihan ko na kung papatayin ninyo ako, puwede sabihan niyo ako. Pero kanina, wala. Kakailanganin ko talaga 'yung pera, dami ko sanang paglaanan noon.

Rob, Cris, Charisse, JC, hindi ko talaga akalain na gagawin nito ito sa akin. Hindi man ako makaganti sa inyo, mayroon din ibang tao, gagantihan din kayo ng kasamaan. Kasi 'pag gumawa ka nang masama sa iyong kapwa, gagantihan ka din ng kasamaan."

Losses and gains

Back at the camp, Cris was not feeling too victorious about his win in the Immunity Challenge, "Tinitignan ko 'yung Immunity Necklace kung in the next, mapupunta pa ba sa 'kin 'to o hindi. Pero feeling ko hindi ako nanalo para sa sarili ko. Hindi ko naipakita 'yung best ko na ako makakakuha talaga na hindi ako nanghingi ng tulong."

JC kept his distance from Cris, "Kaya hindi naman kinakusap kasi siguro nag - isip isip na siya na 'yun nga kailangan na niyang manalo sa mga next na Immunity Challenge kasi kung hindi alam niya na siya (na ang susunod na iboboto.)"

The next morning, JC and Charisse busied themselves with cooking the tribe's meal while Rob gathered some firewood.

Though Rob missed Nanay Zita, he felt that her absence did them some good, "Masakit mawala si Mama Zita. Malungkot. Pero 'yung paglisan niya sa isla ay nakatulong din naman sa amin. Kasi 'yun 'yung naging turning point para gumalaw-galaw naman kami. Kasi parang na-paralyze na kami ng mahigit isang buwan e. So parang 'yun 'yung naging hudyat para si JC ay matuto nang magluto. Si Charisse ay lalong magpursige sa paghanap ng ulam at ako naman a bit of everything. Sa tulugan, sa pangunguha ng tubig, pagpulot ng mga punong kahoy para panggatong."

Later that day, Rob read the treemail for the next challenge:
"Ilang hakbang pa'y nasa dulo na
Konting tiis na lang, matatapos na
Pero dahil tatlo lang ang dapat matira
Kailangan magpaalam ang isa
Ilabas na ang natatago pang lakas
Ipakita ang kakayahang likas
Kung sino ang unang makapagpaningas
Siguradong makakasama hanggang sa wakas."

"Dong hindi man ako makaintindi noon dong, tagalog man ito," Rob joked as he handed the treemail to JC.

38 Response(s) to "Episode 57: Betrayal"
Showing 1 to 16 of 38
« 1 | 2 | 3 »

» kaze_suzume said on December 8, 2008 02:25 PM
the reason why nila tinanggal si nay zita because she is a big threat.. imagine the last immunity jc and nanay zita ang naglaban to think cris and rob are guys... that the reason din bat nila tinanggal sila vern..
» ssbernardo said on December 5, 2008 03:14 PM
Remember si nanay zita nag vote-off din siya for JC, kaya ok lang kung nagvote-off si JC kay nanay zita. Go JC, you deserve to win!
» lorenski212 said on December 5, 2008 10:58 AM
Go JC... Go out Cris..hope your next.. :P
» nepthys said on December 5, 2008 08:01 AM
JC doesn't deserve to win.. mayaman naman xa aanhin pa nia ung 3M isa pa may brand new car na xa as his reward..c rob? wala xang effort sa last reward challenge di na nia tinuloy nanood nalangxa ke jc confident xa na ung allied nia ung mananalo sayang lang laki ng katawan mo.. noon c vern dahil malakas xa tapos si nanay zita naman palibhasa alam nio mas magaling xa sa inyo.. ginawa nio pa k2long at all around si nanay zita, excuse me lang nasa isla kayo wala kayo sa mga bahay nio dapat lahat kayo gumagawa hindi ung pa relax relax lng duh!!! i was hoping that nanay zita will win this game pero since wala na xa i was hoping for cris or cha na manalo..
» ladylv said on December 5, 2008 07:21 AM
oist secy 123223232 adik kb? ala kb nanay, baastos kang haup ka ah... c jc nakilala n din ang tunay n kulay,, ako nga pag natangal c cris m2ya ayaw k n manuod ng survivor,,, cno maiiwan c jc? c charisse? c rob? ei amfufu ala nmndeserving sa tatlo n un.. jc we were so dissapointed sau... mukang pera ka din, mas malala k p kay marlon.. we hate you.. sna wag nio alisin 2ng comment k n 2,, kasi last n2,, ayaw k n manuod ng survivor.. nakaksama ng loob, ako kung lalaban ako para sa pera,, ung ala matatapakan,, grabe mga alang tuang n loob pinagsilbihan kau ni mami zita tapos ganyan ang ginawa nio,, jc mag basketball kn lng
» nikeljean said on December 5, 2008 07:17 AM
maybe ngaun.. napag-isip-isip na rin c nanay zita na this is a game na kilangang mavote-out ang sa tingin nilang threat and that was nanay zita since she's strong and badly needed the money prize.. sana nga nung 50K na reward cya na lang nakakuha.. maybe di cya masyadong nasaktan nung navote-out cya... while jc.. go lang ng go.. i like for being what you are...
» jefmacatangay said on December 4, 2008 06:56 PM
c na2y zita lumalaban pra s pera ung iba gnun dn pero kht mykaya s buhay sumali prin kz my gus2 clang p2nayan s lhat ng tao at ms hgit s pera ang title na 1st sole survivor lhat my kanya2 dhilan kung bat cla sumali kya d q maintindihan kung bkt kelngan bigay nlng nla ky na2y ang pgkapnlo eh s hnggang dun nlng xa eh..sk kung d tlga kloob bt ipi2lit?? mdali lng kumita ng pera ang title bilng 1st sole survivor ng phil ay d mdaling mkuha......
» jefmacatangay said on December 4, 2008 06:39 PM
panu ssvhin ky na2y zita n xa ang iboboto nila jc that time eh biglaan nga ung TC,c cris nman sna ang v-vote nla kya lng na2lo c cris..no choice lng tlga mas lalong mgmu2khang msma kung c rob at charis ang binoto ni jc kz my hinawkan xang pangako s dlwa..for top 3 kz andun ung trust nya s dlwa dpende nlng kung my ccra ng trust nya..naintindihan q c na2y pero medyo d mganda ung mga cnvi ni na2y nung pg-alis nya,,lhat nman cla my strategy eh sa gnun tlga kelngan my mvote-out..eh db c jc ang vnote-out ni na2y..
» gwapogi007 said on December 4, 2008 03:50 PM
para sa girlfriend ni marlon payo pa din sa iyo ito mag isip-isip ka na kung tutuluyan mo yan masama talaga ugali nyang taong yan
» inyakifrias said on December 4, 2008 01:32 PM
Nay zita, dapat naging cool ka na lang sa pag-accept ng kapalaran mo...because what you said really turned me off...ikaw pa naman sana gusto ko manalo...di bale, isipin mo na lang nay na when God closes a door, He opens a window...so most probably, something better is out there for you and your family...and anyway, i'm sure this SURVIVOR experience has taught you a lot...in the meantime, go jc, i'm rooting for you...give your best always...congratulations paolo! Survivor Philippines is such a success, i'm sure you're also very happy with the way things turned out for the show...and you're a major part of that success!!! KAPUSO AKO FOREVER!!!
» inyakifrias said on December 4, 2008 01:31 PM
sana sport lang si nanay zita...this is a game...so expect the worst...disappointed ako dun sa sinabi niya sa exit interview niya...why is she thinking of revenge, when in fact, she herself also voted for jc that night...down the drain din yung loyalty niya...acceptable sa akin na sabihin niya yun kung si charisse ang binoto niya...pare-pareho lang naman sila halos ng iniisip...she voted for jc kasi si jc ang threat, not because gusto niya magkita na si jc and alu...nay, hindi naman yan ang goal ni jc nung sumali siya sa survivor...lahat kayo ang goal niyo is to win the 3M...kaya the reason you gave for voting him off is bull****....
» anakngtinapa said on December 4, 2008 12:15 PM
Ok... THERE CAN ONLY BE ONE. I keep saying that because people keep forgetting. I like Nanay Zita, I was rooting for her. But this is a competition and the others voted her off out of self preservation. Everyone of them is after the top prize. To have gone this far and just give it to someone else is extremely hard to do. Nanay Zita gave a good fight, & I hope it's just her emotion of the moment that's why she said what she said...
» tenker24 said on December 4, 2008 12:04 PM
hay! nakakalungkot talaga at nawala si nay zita! pero ganun nga talaga ang buhay,kasi sila sila lang ang nag bobotohan.talagang pautakan na lang para makarating at the end.kaya for me ang natitirang deserving ay sina JC & CRIS na lang.kung sino man manalo sa kanila gamitin nila ang napanalonan nila for the good.sana mag ka season 2 ang SURVIVOR PHILIPPINES!soon...
» lilith_castiel said on December 4, 2008 10:02 AM
i think there's nothing wrong with what jc did... it maybe a pity that zita was voted out, but we did see learn one thing, zita is as traitorous as everybody else. remember her words when she was voted out?--> "Rob, Cris, Charisse, JC, hindi ko talaga akalain na gagawin nito ito sa akin. Hindi man ako makaganti sa inyo, mayroon din ibang tao, gagantihan din kayo ng kasamaan. Kasi 'pag gumawa ka nang masama sa iyong kapwa, gagantihan ka din ng kasamaan."
» angletheta said on December 4, 2008 09:58 AM
And now, naiintindihan na ninyo si Marlon. This is a game. Control game ito. Pareho lang ang technique ni Kiko and Zita. That's why sila ang top 2 na bet to win SP. Nakita silang threat sa game, so natanggal sila. Dapat ang laro dito sa SP ay control the game, not to be a powerhouse. Kiko and Zita are powerhouses kaya naalis sila.
» gayebansil said on December 4, 2008 09:54 AM
alliance is a big BS! walang magandang kakahantungan yan dahil in the end, traydoran at gantihan din naman ang katapusan.

Showing 1 to 16 of 38
« 1 | 2 | 3 »

You must login to All Access to post comment.