Episode 62: The final choice
JC, Rob and Charisse proceeded to the Tribal Council, a crucial moment that would determine the final two.

After Rob won the last Immunity Challenge, JC and Charisse's bid for the final two were on the line.

Paolo: "(JC) Sobrang emotional ka noon (sa Immunity Challenge). Bakit?"

JC: "Sobrang dami na naming pinagdaanan. Unang pagdating pa lang namin, sobrang hirap na. So sobrang saya ko lang na umabot kami dito, kaming top three, sa final challenge."

Paolo: "Charisse, final three. Na-imagine mo ba na aabot ka dito?"

Charisse: "(From the start) I want to reach the jury level."

Paolo: "What brought you diyan sa position mong 'yan?"

Charisse: "Ang daming factors kasi. Naniniwala kasi ako na everything happens for a reason. So when Kiko was voted out, I saw the chance na I could stay longer in the game. The good thing about it was that, my relationship, my friendship with Kiko, he knew na how I played the game and he trusted me so much na parang si JC, he talked to me to come up with this alliance. Of us being part of the top three."

Paolo: "JC, Immunity challenge kanina, at what point did you realize na parang 'Baka matalo ako dito?'"

JC: "Sobrang sakit na noong mga arms ko. Hindi ko alam kung ano pang hindi masakit."

Paolo: "Sa madaling salita, natalo ka ni Rob fair and square?"

JC: "Yes."

Paolo: "Rob, kinabahan ka ba at a certain point na 'Baka hindi sa akin mapunta ang Immunity necklace, sa huling pagkakataon.'"

Rob: "Obviously, kaya. Pinag-uusapan 'yung power and strength ng arms. Sa pagkakaalam ko I only weigh 125 pounds and I work out my biceps with 180 more. So kung sa power, may lakas tayo."

Paolo: "Noong finally, lumapag ka sa lupa, sinuot ko yung Immunity necklace sa 'yo. Explain mo 'yung feeling na 'yun."

Rob: "Pao, napakasarap ng feeling pala nang pagsuot nito. Nasubukan ko na (isuot) ito kagabi, pero courtesy of JC. Kanina, for the very first time, kung kailan yung pinakahuling Immunity Challenge, (nakuha ko ito). A matter of strategy, Pao. Mental and physical. Ang sarap dahil sa pinakahuling challenge nitong Survivor, nasa akin ang Immunity necklace."

Paolo: "Bago tayo bumoto, may gagawin tayong activity. Rob, lumabas ka muna sandali, pag-usapan ka lang namin.

On Rob

Paolo: "Charisse, agree ka ba sa strategy ni Rob, yung sinasabi niyang, mas ginamit niya 'yung mental na aspeto ng laro to his advantage?"

Charisse: " Totoo naman 'yung sinasabi niya e, na parang he won the most important Immunity challenge in the game tapos nagawa niya naman 'yun na parang dumikit siya kay JC and all pero alam mo 'yun, I don't think naman na nag-rely siya 100 percent on JC. Nagkataon lang na parang talagang JC was very strong and he won a lot of challenges kaya naging favorable din siya for Rob."

Paolo: "JC, malinaw ba 'yung strategy ni Rob sa 'yo simula pa lang?"

JC: "Nalaman ko lang noong sinabi niyang strategy niya pala 'yun. Ganoon pala siya talaga, na naglalaro siya na hindi niya binibigay yung 100 percent niya para hindi siya gawing target. Para sa akin, nirerespeto ko 'yung desisyon niya. 'Yun ang gusto niya, nag-work 'yun para sa kanya, umabot siya dito. Para sa akin, sa kanya 'yun e. Iba 'yung sa akin, iba 'yung sa kanya."

Paolo: "Bakit siya sa lahat ng taong puwedeng pangakuan, bakit siya ang napili mo?"

JC: "Kasi simula noong nawala si Kiko, wala akong idea kung sino ang puwede kong pagkatiwalaan sa Naak. Sobrang gulung-gulo ako noon. Kinausap niya ako na up to the last minute daw, 'di niya binoto si Kiko kahit na may tampuhan sila so para sa 'kin, important kasi sa 'kin 'yung trust e. So naghahanap ako ng taong, pagkakatiwalaan."

On Charisse

Paolo: "Do you think deserving siya to be here sa final three?"

Rob: "Lahat kami deserving para sa kung anong position ang naabot namin."

Paolo: "Ano 'yung sa tingin mong weakness niya?"

Rob: "Obviously the physical aspect. Pero 'yun ang kagandahan sa tao, mahina ka sa physical, gagamitin ko utak ko. 'Yun ang nagdala sa kanya sa posisyon and, come on, Charisse is such a darling. Mahal na mahal namin 'yan. "

Paolo: "So, sa tingin mo it's more of the mental aspect and not 'yung social. Kasi magkaiba 'yun e. 'Yung mental, 'yung pinag-iisipan mo 'yung bawat galaw. 'Yung social, 'yung marunong ka lang makisama."

Rob: "'Yung pagiging social ni Charisse, kasama na 'yun sa package niya. Kahit saan mo siya itapon, saan mo siya ihagis, kahit sa anong posisyon mo siya ilagay, pagkatao ni Charisse 'yun. For me, ibig sabihin, social siya, nakarating siya dito. It's more of a strategy."

Paolo: "JC, (is) Charisse deserving?"

JC: "Noong Jarakay pa siya, si Kiko Naak, sinasabi niya kung ano 'yung nasa isip niya na 'Kiko kahit na sobrang magkaibigan tayo, ikaw pa rin 'yung vote ko eventually.' Tsaka nakita ko sa kanya na trustworthy nga siya, so binigay ko rin 'yung promise ko sa kanya na eventually, tinupad naman niya lahat ng mga sinabi niya na kahit ako tutuparin ko 'yung mga sinabi ko sa kanya."

On JC

Paolo: "Pag-usapan natin si schoolboy. Charisse, too good to be true ba itong lalaking 'to? Isa ba siyang caricature kumbaga na minentain niya for 38 days"

Charisse: "Hindi siya fake na tao. Kung ano talaga siya, 'yun ang pinakita niya dito."

Paolo: "Anong magiging downfall ni JC kapag tinuluy-tuloy niya 'yung ganyang ugali, asal, performance?"

Rob: "One word: threat. Kasi nga very consistent siya. In fact, I call him Mr. 101%. Every game, mapa-reward, mapa-Immunity, makikita mo 'yung tao na may drive, may determinasyon, sa lakas niya at sa maayos talaga siyang maglaro, at magaling magiging threat siya sa iba. 'Yun ang posibleng magiging pagkatanggal niya sa isla."

The crucial vote

Paolo: "Since JC will vote for Charisse and Charisse obviously iboboto mo si JC, mawawalang bisa 'yung mga boto niyong dalawa. Kaya sa pagkakataong ito, Rob ikaw lang boboto. Tandaan, ang isusulat mong pangalan, 'yung gusto mong matanggal sa Survivor."

True to his alliance with JC, Rob voted for Charisse.

After her torch was snuffed out, Charisse blew a flying kiss to Rob and JC as she walked out of the Tribal Council.

Charisse's final words

"Binigay ko naman 'yung best ko. Nagkataon lang hindi talaga siya para sa akin. Ako na 'yung huling babaeng nag-stay sa top three, malungkot na hindi ako napapabilang doon sa final two ng Survivor pero masaya na rin ako kung saan ako umabot. Kung sino man sa kanila ang manalo ng first Pinoy Sole Survivor na title, saludo ako sa kanila."

Final farewell

Paolo told JC and Rob, " Wala nang Chalam. May gagawin kayong mga aktibidades bago tayo pumunta sa Tribal Council. Isang tiyak na madamdaming hapon ang naghihintay sa inyong dalawa. Isang panahon para makapag-isip kung paano ipagtatanggol ang inyong sarili sa harap ng walong miyembro ng ating jury."

No comment posted.
You must login to All Access to post comment.